Biyernes, Mayo 24, 2013
Huwebes, Mayo 23, 2013
Kahalagahan ng Social Media sa Pamamahayag
Ngayon ay ang panahon ng
makabagong pagbabalita. Ito ay isang katotohanan na kahit mga ordinaryong
mamamayan ay hindi maipagkakaila. Hindi maiitanggi na sa panahon ngayon ang “Digital Media” at “Online Publications” ay ang
pinakamabisang pamamaraan sa pamamahayag maging dito sa Pilipinas. Ito ay dahil
na rin sa dumaraming mga Pilipino na gumagamit ng Internet upang makibalita sa
mga mapapanahong isyu sa ating bansa. Sa pamamagitan ng Social Media mas
napapadali sa mga mambabasa lalo’t higit sa mga kabataan na makialam sa mga
isyung ating kinakaharap.
Ayon sa Internet World Stats (as of December 2011),
mayroong 33.6 million internet users dito sa pilipinas at penetration rate 32.4% at as of December 31, 2012 mayroong 29.8
million na facebook users at penetration
rate na 28.8%. Ito ang nagpapatunay na maaaring mas marami ang makakabasa
ng mga balita sa pamamagitan ng Digital Media kumpara sa tradisyunal na mga
dyaryong inilimbag.
Ngunit sa kabila ng mga papuring natanggap ng internet at
mga naiambag nito sa pagpapaunlad ng pamamahayag sa panahong ito, ang mga
pahayagan ng ilang paaralan ay mayroon lamang limitadong programa sa
pagpapaunlad ng kanilang pagbabalita. Karamihan ng mga nilalaman ng online publication ng ilang paaralan ay
umiikot lamang sa mga isyu na kinakaharap ng kanilang paaralan, na siyang
dahilan upang mawalan ng espasyo ang mga mas malalaking isyu ng bayan at ng
bansa na nagiging dahilan upang hindi magkaroon ng mobilisasyon sa kanilang mga
mambabasa.
Walang alinlangan kong
pinapatunayan na malaki ang naitutulong ng internet sa pamamahayag ngunit
nararapat lamang na palawakin ng mga pahayagan ang kanilang pagbibigay inpormasyon
sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kanilang coverage
tulad ng pagsasama ng mga isyu o balita sa kanilang komunidad. Upang hindi
lamang mga mag-aaral ang magkaroon ng kamalayan kundi maging mga mamamayan ng
kanilang komunidad.
References: http://www.internetworldstats.com/asia.htm
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)