Huwebes, Mayo 23, 2013

Kahalagahan ng Social Media sa Pamamahayag

      Ngayon ay ang panahon ng makabagong pagbabalita. Ito ay isang katotohanan na kahit mga ordinaryong mamamayan ay hindi maipagkakaila. Hindi maiitanggi na sa panahon ngayon ang “Digital Media” at “Online Publications”  ay ang pinakamabisang pamamaraan sa pamamahayag maging dito sa Pilipinas. Ito ay dahil na rin sa dumaraming mga Pilipino na gumagamit ng Internet upang makibalita sa mga mapapanahong isyu sa ating bansa. Sa pamamagitan ng Social Media mas napapadali sa mga mambabasa lalo’t higit sa mga kabataan na makialam sa mga isyung ating kinakaharap.

Ayon sa Internet World Stats (as of December 2011), mayroong 33.6 million internet users dito sa pilipinas at penetration rate 32.4% at as of December 31, 2012 mayroong 29.8 million na facebook users at penetration rate na 28.8%. Ito ang nagpapatunay na maaaring mas marami ang makakabasa ng mga balita sa pamamagitan ng Digital Media kumpara sa tradisyunal na mga dyaryong inilimbag.

Ngunit sa kabila ng mga papuring natanggap ng internet at mga naiambag nito sa pagpapaunlad ng pamamahayag sa panahong ito, ang mga pahayagan ng ilang paaralan ay mayroon lamang limitadong programa sa pagpapaunlad ng kanilang pagbabalita. Karamihan ng mga nilalaman ng online publication ng ilang paaralan ay umiikot lamang sa mga isyu na kinakaharap ng kanilang paaralan, na siyang dahilan upang mawalan ng espasyo ang mga mas malalaking isyu ng bayan at ng bansa na nagiging dahilan upang hindi magkaroon ng mobilisasyon sa kanilang mga mambabasa.

Walang alinlangan kong pinapatunayan na malaki ang naitutulong ng internet sa pamamahayag ngunit nararapat lamang na palawakin ng mga pahayagan ang kanilang pagbibigay inpormasyon sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kanilang coverage tulad ng pagsasama ng mga isyu o balita sa kanilang komunidad. Upang hindi lamang mga mag-aaral ang magkaroon ng kamalayan kundi maging mga mamamayan ng kanilang komunidad.